Home NATIONWIDE Pagtalakay ng Kamara sa ICC reso, parte lang ng trabaho – House...

Pagtalakay ng Kamara sa ICC reso, parte lang ng trabaho – House Speaker

Manila, Philippines – Bahagi ng proseso na dinggin ng Malaking Kapulungan ng Kongreso ang alinmang resolusyon na inihahain ng miyembro nito.

Tugon ito ni House Speaker Martin Romualdez sa akusasyong binibigyang prayoridad di umano ng Kamara ang resolusyong inihain ng ilang mambabatas ukol sa paghikayat na makipagtulungan ang pamahalaan sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng imbestigasyon nito sa madugong war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.

“Well as they say, this is what you call, this is the sense of the House of Representatives,” paliwanag ni Romualdez sa press conference sa pagsisimula ng 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Aniya, ang pagbasa at pagdinig sa naturang resolusyon ay katulad din ng pinagdaraanan ng lahat ng resolusyon at panukalang batas.

“There [is a] succession of resolution[s] that are being filed and of course as a matter of course, we have to read out these bills or resolutions and we have to act on the same. And we have to be sensitive and responsive to the, mga hinaing po ng ating mga kongresista. And so we have to look at it. One at a time. And within the [tall] context of the current events. That’s where we leave it.”

Paglilinaw pa ni Romualdez na ang pagdinig sa resolusyong ito ukol sa ICC ay bahagi lamang ng proseso bagama’t maaaring bigyan ng ibang kahulugan ngunit hindi nangangahulugan na ito ay agarang aaprubahan kungdi ito ay dadaan pa sa botohan ng mga mambabatas sa plenaryo.

“We don’t read much more into it than what other people do, but nonetheless they are still entitled to their own views and even speculations, but we leave it to that. We just do it as a matter of course and come what may that, whatever outcome will be, we will call the sense of the House of Representatives on whatever it decides by manner of vote,” ani Romualdez.

Noong Miyerkoles ay sinimulang dinggin ng House Committees on Human Rights at Committee on Justice ang House Resolution 1393 na inihain ng Makabayan bloc noong Oktubre 17 at House Resolution 1477 nina Manila Rep. Bienvenido Abante at 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez t Nobyembre 20.

Kasabay nito ay pinabulaanan din ni Romualdez ang alegasyon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na ang speaker umano ang nasa likod ng resolusyon na humihikayat sa pamahalaang Marcos na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa pagsasabing “none of that is true. We respect his thoughts and opinion but they’re not accurate. So, I’ll just put it at that and there is nothing to it.”

Magugunitang noong Hulyo ay binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makikipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC sa pagsasabing ang Pilipinas ay hindi na saklaw ng Rome statute.

Sa Senado ay nanawagan naman si Senador Robin Padilla sa publiko na igalang ang naunang deklarasyon ng pangulo na ang Pilipinas ay hindi makikipagtulungan sa ICC dahil wala itong hurisdiksyon sa Pilipinas.

“I wish to put a definite end to it now because it will bring only confusion to our people. At this point, I ask my fellow Filipinos to unite behind the decision of our government, aimed at ensuring a free Philippines” sinabi ni Padilla. Meliza Maluntag

Previous articleBihag na 17 marinerong Pinoy sa Red Sea nasa maayos na kalagayan – DFA
Next articleMaynilad, Ditrolic Energy Philippines MOA signing