Home NATIONWIDE Pagtanggap ng signature forms, itinigil ng Comelec

Pagtanggap ng signature forms, itinigil ng Comelec

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Comelec Chairman George Garcia na sinuspinde nila ang pagtanggap ng mga lagda para sa People’s Initiative na naglalayong isulong ang Charter Change.

Ayon kay Garcia, kawalan ng maayos na rules at guidelines at walang malinaw na Saligang Batas kung ano ang magiging panuntunan ng People’s Initiative ang dahilan, kung kaya’t dapat muna nila itong pag-aralan.

Sa ngayon, may mga natanggap na ang Comelec na mga lagda mula sa 209 legislative district.

Bukod dito, sinabi ng Comelec na ayaw nilang magkaroon ng gulo sa pagitan ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa isyu ng charter change.

Ang mga pumabor sa pagsuspinde sa proseso ng PI ay unanonimous, ayon kay Garcia.

Kasunod nito, tututukan naman ng komisyon ang paghahanda para sa 2025 midterm election. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBimby, uuwi na ng Pinas, magso-showbiz!
Next articleHigh-end store ni Daniel, for sale na rin!