MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Migrant Workers (DMW) ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi sang-ayunan ang total deployment ban sa Kuwait.
Sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople sa isang virtual press conference, na hindi na kailangang magsunog ng mga tulay sa kabila ng pagsususpinde ng Kuwait sa pag-iisyu ng visa sa mga may hawak ng pasaporte ng Pilipinas.
“I think in time, there will be a mutual understanding on the way forward,” ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Oplesa isang virtual press conference.
“Tama si president , let’s not burn bridges. Kailangan lang dagdagan ang pagunawa ” dagdag pa ng kalihim.
Aniya, nirerespeto nila ang kanilang desisyon .
Ang desisyon na suspendihin ang mga visa sa Philippine passport holders ay ginawa kasunod ng diumano’y pagtanggi ng bansa sa kahilingan ng Kuwait na kilalanin ng una ang “mga paglabag” sa embahada ng Pilipinas.
“Their conditions, they want us to acknowledge the violations, they want us to close down the shelters,” sabi ni Ople
Gayunpaman, sinabi ni Ople na ang bansa ay handa na ipagpatuloy ang kanilang recruitment at deployment sa sandaling ang parehong bansa ay nagkasundo sa protective measures para sa mga Pilipino.
Sinabi rin Ople na ang sitwasyon ay maaaring magbago sa mga susinod na panahon, kaya kailangang panatilihin ang paninindigan ng administrasyon sa foreign policy.
Sa ngayon, tiniyak ng DMW ang tulong sa mga apektadong manggagawa kasunod ng desisyon ng Kuwait.
Ayon sa DMW, mayroong mahigit 200,000 Filipino na nakatira at nagtatrabaho bilang kasambahay at sa mga kumpanya sa Kuwait. Jocelyn Tabangcura-Domenden