Home NATIONWIDE Pagtataas sa limitasyon ng poll expenditures suportado ng Comelec

Pagtataas sa limitasyon ng poll expenditures suportado ng Comelec

MANILA, Philippines – Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na suportado ng komisyon ang plano ng Kongreso para itaas ang limitasyon ng “poll expenditures” o gastos sa halalan na papantay umano sa ‘playing field’ ng mga malalaki at maliliit na kandidato.

“The Commission had long supported measures to bring amendments to the Campaign Expenditure Limits,” ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Mula noong 1991 hanggang ngayon, ang orihinal na nakasaad sa Section 100 ng Omnibus Election Code at ng Section 13 ng RA 7166, ay nasa P10 lamang sa mga kandidato para sa Pangulo at Ikalawang Pangulo ang maaari nilang gastusin bawat botante.

Para sa ibang kandidato, Nasa P3 naman ang limitasyon para sa ibang kandidato at P5 naman para sa mga inidipendyenteng kandidato at mga partidong politikal.

Sinabi rin ni Garcia na patuloy ang partisipasyon nila sa lahat ng pagdinig at pulong ng technical working group ukol sa panukala sa pamamagitan ng kanilang Political Finance and Affairs Department.

Napapanahon na rin aniya na baguhin ito dahil sa matinding itinaas ng inflation at iba pang factors sa pananalapi sa bansa.

“And therefore, the COMELEC supports measures to revise these limits to amounts more atune to the present times, which realistically manifest the present value of the Philippine Peso,” sabi pa ng poll chief.

Umaasa umano ang Comelec na ang desisyon ng Kongreso at ng Executive Department, ay magiging makatwiran at magbibigay ng realistiko ngunit tamang limitasyon sa paggasta ng mga kandidato tuwing halalan.

Ayon kay Garcia, importante ito para maging patas ang ‘playing field’ tuwing eleksyon sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na kandidato o partido. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDBM kinalampag sa pondo sa pag-iimprenta ng TESDA certificates sa nagtapos na SHS
Next article1 sa 3 suspek sa pagpatay sa propesor arestado