Home HOME BANNER STORY ‘Pagtataboy’ ng Tsina sa BFAR vessel sa Scarborough pinabulaanan ng PCG

‘Pagtataboy’ ng Tsina sa BFAR vessel sa Scarborough pinabulaanan ng PCG

MANILA, Philippines- Tinawag ng Pilipinas nitong Huwebes na “inaccurate” ang pahayag ng China na itinaboy ng coast guard nito ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel mula sa Scarborough Shoal. 

“This statement is inaccurate. The BFAR vessel, BRP DATU SANDAY, continues to patrol the waters of Bajo De Masinloc,” giit ni Commodore Jay Tarriela, the Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea. 

Ayon kay Tarriela, aktibong tinitiyak ng BFAR vessel ang seguridad ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Inihayag din ni Tarriela na sakay ng nasabing barko ang ilang miyembro ng press at susuportahan ng kanilang mga ulat ang pahayag ng PCG.

Iniulat ng Chinese state television nitong Huwebes na pinaalis ng coast guard drove ng China ang BFAR vessel na anito’y “illegally intruded” Scarborough Shoal. RNT/SA

Previous articleDaan-daang Manileña nakatanggap ng tulong mula sa mga Cayetano
Next articleMga tutol sa Cha-cha nagprotesta sa Maynila