Home NATIONWIDE Pagtatalaga kay Mar Roxas bilang sunod na DA chief, pinabulaanan ni Sandro

Pagtatalaga kay Mar Roxas bilang sunod na DA chief, pinabulaanan ni Sandro

278
0

MANILA, Philippines- Itinanggi ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos ang balitang itatalaga si dating senator Mar Roxas bilang full-time Department of Agriculture (DA) secretary.

Ito ang inihayag ni Rep. Marcos sa Twitter exchange sa mamamahayag na si Mark Lopez.

Nag-umpisa ito nang mag-tweet si Lopez ukol sa rebelasyon ng kolumnistang si Rigoberto Tiglao na sinabi mismo ni Roxas sa kanyang mga kaibigan ang ukol sa napipintong appointment bilang DA secretary. Natanggap umano ni Tiglao ang impormasyong ito mula sa “a very apolitical source”.

Tugon naman ng presidential son sa tweet ni Lopez: “Sorry Mark but this isn’t true in the slightest.”

Ang ama ng Ilocos congressman na si Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagsisilbing concurrent agriculture chief mula nang maupo sa Palasyon noong Hunyo 30, 2022.

Si Roxas ay dating Liberal Party (LP) president. Siya ang standard-bearer ng partido sa 2016 national elections.

Mula nang matalo sa 2016 presidential race ay pinanatili ni Roxas, kilala rin sa “Mr. Palengke” persona, ang pagiging low profile.

Nang pasalamatan ni Lopez si Rep. Marcos sa paglilinaw sa impormasyon sa pagtatalaga kay Roxas, tumugon ang huli: “Anytime 🙂 Ingat lagi and hope to see you soon”

Ang nakababatang Marcos ay senior deputy majority leader sa Kamara.

Ilang House members ang nanawagan sa Pangulo na magtalaga ng full-time head sa DA upang matutukan niya ang kanyang tungkulin. RNT/SA

Previous articleBI: Biyahero sa ’10 birth certificate’ issue nakitaan ng ‘multiple red flags’
Next articleGadon nanumpa sa harap ni PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here