MANILA, Philippines – Ikinagalak ng ilang simbahan ang pagpapataas sa Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene, o kilala bilang Quiapo Church, na isang pambansang dambana.
Kabilang sa mga simbahang ito ang Manila Cathedral, Antipolo Cathedral, Sto. Niño de Pandacan Parish at ang Shrine of Jesus in the Holy Sepulcher o ang Sto. Sepulcro Parish.
Ikinatuwa rin ng Sto. Sepulcro Parish sa Laguna ang hakbang ng CBCP.
Sa kabilang banda, sinabi ng Quiapo Church
na ito ay habambuhay na pararangalan sa kasalukuyan nitong tagumpay.
Nitong Linggo, inaprubahan ng CBCP ang pagtaas o elevation ng Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene, o Quiapo Church, na national shrine status.
Sa 126th plenary assembly ng CBCP sa bayan ng Kalibo, Aklan, inaprubahan ng mga obispo ang petisyon para ideklara ang simbahan, na nasa gitna ng Maynila, bilang ika-29 na pambansang dambana ng bansa.
Sa pagbibigay ng petisyon ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula, ipinagkaloob ng Kumperensya sa Quiapo Church ang titulong “National Shrine of the Black Nazarene.”
Noong Mayo 10, itinaas ni Advincula ang simbahan sa katayuan ng isang archdiocesan shrine.
Noong 1987 nang iangat ni St. John Paul II ang simbahan sa status na Minor Basilica of the Black Nazarene.
Sa kapistahan nito tuwing Enero 9, milyon-milyong mga deboto ang bumibisita sa dambana na matatagpuan sa kahabaan ng Quezon Blvd., Manila.
Ang taunang “Traslacion” o prusisyon ay isa rin sa mga dinadaluhang pagdiriwang sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden