MANILA, Philippines- Hindi pa natatalakay ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang usapin patungkol sa kagustuhan nitong maitalaga bilang bagong kalihim ng Kagawaran.
Ito ay matapos magkita sina Vergeire at Marcos sa pagdiriwang ng ika-40tfounding anniversary ng National Kidney and Transplant Institute’s (NKTI) noong Lunes.
Pero naniniwala si Vergeire na hindi ito ang tamang pagkakataon para talakayin ang usapin.
“Wala ho kaming paguusap pa ukol dito. Parehong busy ang schedules yesterday,” sabi ni Vergeire sa press briefing nang tanungin kung napag-usapan na kung sino ang susunod na kalihim ng DOH.
Aniya, hintayin na lamang ang desisyon ng Pangulo.
Kung opisyal namang ibibigay ng Pangulo ang posisyon, sinabi ni Vergeire na pagtutuunan nito ang pagbibigay ng health access at equity sa publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden