MANILA, Philippines – MAAARI nang muling pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang economic development ng bansa.
Ito’y kasunod ng naging anunsyo ng World Health Organization (WHO) ukol sa hindi na isang global health emergency ang COVID-19.
“With this development, we can now refocus our plans and priorities and train our size with renewed vigor, carefully guided by the stinging lessons of the pandemic, we can now refocus our priorities on the development of our economy and the betterment of the lives of ordinary Filipinos,” ang talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa idinaos na reception na hinost (host) ng Asian Development Bank sa Mandaluyong City.
Nagpasalamat ang Pangulo sa Manila-based lender para sa lahat ng tulong nito sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Aniya, bagama’t idineklara ng WHO na hindi na isang global health emergency ang COVID-19, hindi aniya ito nangangahulugan ng pag-abandona sa universal health protocols.
“Thankfully, because of swift breakthroughs in virology and vaccinology, communities were able to build effective response systems while humanity was able to boost its immune system,” ani Pangulong Marcos.
Inalala pa ng Pangulo na nang makapulong niya ang Board of Governors ng ADB noong Setyembre ng nakaraang taon, binigyang diin nito ang pangangailangan para sa Pilipinas na “safely navigate through the waters of the post-pandemic world.”
Advertisement