Home NATIONWIDE Pagtatatag ng Bulacan EcoZone ganap nang batas

Pagtatatag ng Bulacan EcoZone ganap nang batas

MANILA, Philippines – GANAP nang batas ang Republic Act 11999 o “Bulacan Special Economic Zone and Freeport Act matapos na mag-lapsed ‘into law” noong Hunyo 13, 2024.

Sa ilalim ng batas, ang Bulacan Special Economic Zone and Freeport ay kikilalanin bilang “Bulacan EcoZone,” o (BuZ), sakop nito ang airport project at airport city project habang ang Bulacan Special Economic Zone and Freeport Authority, o BEZA ay pangangasiwaan ng BuZ.

Sa loob ng 180 araw ay io-organisa ang BEZA o mula ng maging epektibo ang batas, kung saan magiging epektibo ito 15 araw kasunod o matapos na makompleto ang paglalathala sa Official Gazette, o sa pahayagan na may general circulation.

Sa pagkonsulta sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang BEZA ay dapat na magtatag ng general framework para sa ‘land use, planning at development’ para sa lugar na sakop ng BuZ, dapat ay naaayon ito sa Philippine Development Plan ng gobyerno.

Ang kopya ng batas ay maaaring makuha sa Official Gazette kung saan ang ibang chapters gaya ng Incentives to Ecozone Enterprises/Investors; National Government and other Entities; at Miscellaneous Provisions ay nakasaad. Kris Jose