MANILA, Philippines – Isinusulong sa Kamara ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang pagtatayo ng training hubs ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) training hubs sa dalawang munisipalidad sa Bicol.
Ang House Bills No. 8611 at 8612 na kapwa inihain noong Hulyo 26, ay naglalayong magtayo ng Tesda Training and Assessment Centers sa Manito at Rapu-Rapu, Albay.
Ayon kay Co, ang hakbang na ito ay magbibigay-benepisyo sa mga Bicolano lalo na sa mga out-of-school youth na nais matuto ng practical skills.
“The convenience and availability of the training center in the Municipality of Manito [and Rapu-Rapu] will provide the out-of-school youths and our constituents with the opportunity to develop themselves to be self-reliant and learn new techniques geared towards earning a livelihood,” saad sa panukala.
“Likewise, it provides the necessary atmosphere where inborn talents are developed into self-reliant individuals,” dagdag pa niya.
Maliban sa pagpapalakas ng kakayahan ng kanyang mga nasasakupan, layon din ng TESDA training centers na palakasin ang employability ng mga Bicolano.
Ani Co, ang kanyang dalawang panukala ay suportado ng mga local Bicolano leaders, education institutions, at community organizations sa pagsasabing ang panukala ay hindi lamang magtatayo ng training center kundi “build bridges between dreams and reality.” RNT/JGC