Pagtawag ni Gapay na murder sa Jolo incident, may basehan – AFP

Pagtawag ni Gapay na murder sa Jolo incident, may basehan – AFP

July 1, 2020 @ 4:44 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – May basehan umano ang pagtawag na ‘murder’ ni Philippine Army (PA) chief Lt. Gen. Gilbert Gapay sa pagkakapatay ng apat na sundalo mula sa kamay ng mga pulis sa Jolo, Sulu, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Miyerkoles.

Ayon kay AFP spokesperson Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo na ang komento ni Gapay ay mula sa “learned evaluation of information” na iprinisinta sa kanya.

 

READ: ‘Murder hindi misencounter’ – AFP

 

“His (Gapay) point of view is supported by spot reports and eyewitness accounts of two civilians and of a motorcycle-riding soldier who was part of the operation trailing the SUV (sports utility vehicle) boarded by the four intelligence personnel,” giit pa ni Arevalo sa isang mensaheng ipinadala sa mga reporter.

Ayon pa sa tagapagsalita ng AFP na mayroon na umano silang inisyal na resulta ng isinagawang otopsiya pero hindi muna nila ito isasapubliko para maiwasan na ma-preempt ang pag-anunsyo rito.

“We share the grief of Lt. Gen. Gapay and his call for an impartial and thorough investigation and his quest for justice as he minced no words in calling for accountability and liability for those involved in the incident,” aniya pa.

Sa ngayon ani Arevalo na nagkasundo sina AFP chief-of-staff, Gen. Felimon Santos Jr. at Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa na pag-aralan ang Technique, Tactics, and Procedure (TTPs) para makita kung nasunod ba ito at para mapigilan ang mga susunod pa na kaparehong insidente.

SAMANTALA, ganito rin ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sinabi lang umano ni Gapay kung ano ang impormasyong nakarating sa kanya mula sa ground.

“He is just repeating the reports he got from our people on the ground. Of course, the event happened just the other day and emotions are high among the Army troops. The Army leadership in Sulu are trying hard to calm their people while inquiry is going on,” anang Defense Chief.

Hindi naman na nagbigay ng posisyon si Lorenzana sa insidente dahil mas nais niyang hantayin ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

“It’s not good to speculate. The accounts from both sides are conflicting. Let’s wait for the NBI investigation.” RNT

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...