Home NATIONWIDE Pagtukoy sa mga benepisyaryo ng TUPAD sa Bicol, sinimulan na

Pagtukoy sa mga benepisyaryo ng TUPAD sa Bicol, sinimulan na

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang profiling ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers benificiaries na mga Bicolano workers na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ito ay matapos maglaan ang DOLE ng P50 milyon na tulong para sa mga manggagawang apektado nito.

Sa ilalim ng TUPAD, isang miyembro mula sa bawat apektadong pamilya ang babayaran ng P10,950 para sa 30 araw na community gardening malapit sa evacuation centers, temporary shelter maintenance at housekeeping, gayundin sa food preparation.

Ayon kay Labor Secretary Laguesma, handa ang Kagawaran na magbigay ng kinakailangang tulong sa pamamagitan ng TUPAD dahil sinimulan na ng DOLE-Bicol ang profiling noong Biyernes sa lahat ng evacuation sites sa Albay.

“In collaboration with the DSWD and DA, profiled worker-evacuees would be paid by DOLE through TUPAD, to keep the evacuation centers clean, particularly the kitchen and the toilets; to do some vegetable gardening, and to help camp managers in preparing food in the evacuation sites,” sabi ni RD Ma. Zenaida Campita. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP1.3B pondo sa Mayon evacuees nakahanda na – OCD
Next article5% to 9% kontribusyon sa MUP pension, tatalupan ng Senado