Home NATIONWIDE Pagtulong sa mga apektado ng lindol sa Davao Occidental bilisan – PBBM

Pagtulong sa mga apektado ng lindol sa Davao Occidental bilisan – PBBM

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa mga tanggapan ng pamahalaan na kaagad na tugunan at tiyakin ang kaligtasan ng mga residenteng apektado ng malakas na lindol na tumama sa Davao Occidental, araw ng Biyernes.

“The President has instructed every relevant government agency to promptly take action to ensure the safety and well-being of those affected,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.

Nag-post din si Pangulong Marcos, kasalukuyang dumadalo sa APEC Summit sa US,  ng kahalintulad na mensahe sa  social media, Huwebes ng gabi.

“Following the 6.8 magnitude earthquake in Davao Occidental at 4:14 PM, I assure you that the government is actively responding to ensure the safety of our citizens,” anito.

Aniya, kagyat na kumilos ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) habang ang Civil Defense Regional Offices ay “coordinating closely with local units to provide real-time updates.

“In these challenging times, my commitment to your safety and recovery is unwavering, and I have instructed every relevant government agency to fully contribute to ongoing efforts,” ayon sa Chief Executive.

Sa ulat, niyanig ng 6.8 magnitude na lindol ang Davao Occidental kahapon ng alas-4:14 ng hapon.

Winika ng Philippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may 30 kilometro ng timog kanluran ng Sarangani Davao Occidental.

Sinabi ng Phivolcs, tectonic ang ugat ng lindol at may 10 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol.

Dulot nito, nakapagtala ng Instrumental Intensities na Intensity VIII sa Glan, Sarangani; General Santos City, South Cotabato.

Intensity V naman sa Matanao, Davao del Sur; Maasim, Malapatan, Sarangani; Lake Sebu, Tampakan, Polomolok, Banga, South Cotabato at Intensity IV sa Kidapawan City, Cotabato; Magsaysay, Davao City, Davao del Sur; Don Marcelino, Jose Abad Santos, Davao Occidental; Kiamba, Maitum, Sarangani; Norala, Tantangan, South Cotabato; President Quirino, Lebak, Isulan, Esperanza, Columbio, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Dahil dito, sinabi ng Phivolcs, asahan na ang aftershocks at damage kaugnay ng naganap na lindol. Kris Jose

Previous articleNDRRMC nakapagtala ng pinsala sa M-6.8 quake sa Sarangani
Next articleProdu ng In His Mother’e Eyes, na-depress!