Home NATIONWIDE Pagtutok sa mga panukala sa kabuhayan, kapaligiran, seguridad tinalakay sa LEDAC meeting 

Pagtutok sa mga panukala sa kabuhayan, kapaligiran, seguridad tinalakay sa LEDAC meeting 

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting nitong Martes, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr.

Nilalayon umano ng pulong na i-“reprioritize” ang mga panukalang tumututok sa kabuhayan, pagprotekta sa kapaligiran, at pagpapaigting ng seguridad, base kay Marcos.

Nabanggit na 14 sa 57 priority legislation ng kasalukuyang administrasyon ang naipatupad na.

Matatandaang hindi natuloy ang LEDAC meeting na itinakda noong Enero, kung saan nagpatawag ang Punong Ehekutibo ng hiwalay na executive sessions kasama ang mga pinuno ng Senado at ng Kamara sa gitna ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang kapulungan hinggil sa people’s initiative upang amyendahan ang 1987 Constitution. RNT/SA

Previous articleKabataang Navoteño sasanayin sa sports
Next articleP680,000 shabu nasamsam; suspek tumalon sa ilog