Home HEALTH Pagtuturok ng COVID bivalent vax umarangkada sa Pasay

Pagtuturok ng COVID bivalent vax umarangkada sa Pasay

233
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Pasay City Health Office (CHO) na pinasimulan na ng lokal na pamahalaan ang pagtuturok ng bivalent vaccines laban sa Covid-19 sa apat na ospital sa lungsod.

Base sa inilabas na advisory ng CHO, ang mga priority groups na pinabibigyan ng bivalent vaccines bilang ikatlong booster dose ay ang mga medical employees mula sa Pasay City General Hospital (PCGH), Adventist Medical Center Manila (AMCM), San Juan de Dios Hospital (SJDDH) at Airforce General Hospital (AGH).

Bukod sa pagbibigay ng bivalent vaccines sa mga priority groups ay sinabi rin ng CHO na itinutuloy pa rin ng lokal na pamahalaan ang baksinassyon laban sa Covid-19 sa mga health centers sa lungsod.

Kasabay nito ay hinimok naman ni City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang lahat ng residente ng lungsod na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health centers sa kanilang lugar upang maipagpatuloy ang pagbabaksinasyon ng alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na ang available na vaccine sa kasalukuyan ay ang Sinovac pa lamang habang ang CHO ay nakapagtala naman ng isang aktibong kaso na lamang ng Covid-19 sa lungsod nitong nakaraang Hunyo 30. James I. Catapusan

Previous articlePamamahagi ng damit sa mga residente ng Lawang Bato
Next article3 Chinese at 1 pa, arestado sa P4M katol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here