Home METRO Pagyanig na sinabayan ng dagundong, naitala sa Mayon

Pagyanig na sinabayan ng dagundong, naitala sa Mayon

198
0

MANILA, Philippines- Nangangahulugan ang pagkakatala ng tremor events na sinabayan ng dagundong sa nakalipas na 24 oras na monitoring ng Mayon Volcano na nananatili ito sa heightened unrest.

Sa pagitan ng araw ng Huwebes at Biyernes, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 106 tremor events na tumagal nang 15 minuto.

“Some of these tremors were accompanied by rumbling sounds audible within the seven-kilometer radius from the crater of Mayon,” anang Phivolcs.

Naobserbahan din ang 62 low-frequency volcanic earthquakes, kabilang ang apat na ashing events.

Iniulat ng Phivolcs na patuloy ang mabagal na pagdaloy ng lava mula sa summit crater ng Mayon sa Bonga, Mi-isi, at Basud gullies sa southeastern, southern, at eastern flanks ng bulkan.

Anang Phivolcs, mayroong 180 rockfall events at tatlong PDCs sa nakalipas na 24 oras.

Inihayag ng Phivolcs na nananatili ang Mayon Volcano sa Alert Level 3, na nangangahulugang posible ang hazardous eruption sa loob ng ilang linggo o araw. 

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad na mag-ingat at tumalima sa mga kautusan hinggil sa pagbabawal na lumapit sa bulkan. RNT/SA

Previous articleCatapang: Halos 20 Bilibid guards sinibak sa pagkawala ng PDL
Next articlePlano ng AFP na sanayin mga mangingisda bilang reservists, tablado sa fishers’ group

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here