Home NATIONWIDE Pahayag ni Duterte kay PBBM ipinaliwanag ni Escudero

Pahayag ni Duterte kay PBBM ipinaliwanag ni Escudero

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang naging mabigat na pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Sa bagay na ito, ang panawagan ni [dating] Pangulong Duterte, gayon din siguro ako, sasang-ayon ako do’n, is for him to rein in the speaker, for him to rein in not only his political ally, not only his fellow member in the coalition but also his first cousin,” pahayag ni Escudero sa panayam ng ANC.

“I hope he will not simply shrug his shoulders and look the other way as if nothing is happening. Right now, it is only the Speaker being pointed to at this point of time as responsible for it. But at some point, tatamaan, babalingan tulad ng ginawa ni [dating] Pangulong Duterte sa rally, at aabutan na rin sya. Maliban na lamang kung poposisyon nga sya,” dagdag pa.

Binalaan ni Escudero si Marcos na ang pananahimik niya sa mga isyu na ibinabato laban sa kanya ay palaging mai-interpret bilang pagtanggap sa mga ito.

“I hope he will not remain silent on this issue and nothing simply happened at the risk of creating instability in our country, even perhaps his own administration. I hope that will not happen because that will really be bad for our economy, that will be bad for our people and the poor will only get poorer if that situation should explode,” anang senador.

Nang tanungin kung sa palagay niya ay mas makapangyarihan si Romualdez kaysa sa Pangulo, hindi ito direktang sinagot ni Escudero ngunit sinabi na kung mananatiling tahimik si Marcos ay iisipin ng mga tao na siya ay hindi makapangyarihan at mahina.

“It all began, as you have seen, nu’ng nag-propose si Pangulong Marcos ng confidential funds para sa OVP at DepEd. ‘Di ba budget niya ‘yon e. S’ya ang nag-submit ng budget na ‘yon, kakampi naman niya ang speaker, majority coalition ay hawak niya. Pinsan niya pa ang speaker. Bakit tinanggal yon na hindi man lang siya pumapalag o pumoposisyon unless pinayagan niya. Dalawang bagay yon, pinayagan niyang tanggalin, sumang-ayon siyang tanggalin o ‘di niya na lang niya pinakialaman at hinayaan na lang ang Kamara at ang Senado na gawin yon,” ani Escudero.

“Nu’ng pumosisyon si Vice President Duterte laban sa peace talks o laban sa amnesty, wala ring naging kasagutan o katugunan mula sa Pangulo do’n,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang linggo, nagsagawa rin ng kaparehong panawagan si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III para kay Marcos na kontrolin ang pinsan na si Romualdez sa nagpapatuloy na mga hakbang sa people’s initiative para sa Charter change.

Pinaniniwalaan ng mga senador na si Romualdez ang nagsusulong nito.

Layon ng nagpapatuloy na pagsusulong ng people’s initiative ay layong amyendahan ang Konstitusyon at payagan ang Kongreso na sabayang bumoto ng iba pang aamyendahan sa Konstitusyon. RNT/JGC

Previous articleTemperatura sa Baguio, bumaba pa sa 11°C
Next articleSolidarity armband vs PI sa Cha-cha, ipinamahagi sa Senado