Home NATIONWIDE Palasyo ‘di tumutol sa premium hike – PhilHealth chief

Palasyo ‘di tumutol sa premium hike – PhilHealth chief

MANILA, Philippines – Hindi tumutol ang Office of the President sa 5% increase sa premium ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ayon sa PhilHealth chief Emmanuel Ledesma nitong Biyernes, Pebrero 23.

Inanunsyo ng PhilHealth ang adjustment sa premium nito mula 4% patungong 5%, epektibo noong Enero ayon sa Universal Health Care Act.

“After very very thorough study on the premium increase, we pose no objection on the scheduled increase which was implemented on January first,” sinabi ni Ledesma.

Nang tanungin sa rekomendasyon mula kay Health Secretary Teodoro Herbosa na suspendihin ang pagtaas, sinabi ni Ledesma na nirerespeto niya ito ngunit hindi niya masusunod ang suhestyon ni Herbosa.

“We fully respect the views of [Secretary] Herbosa,” Ledesma said. “However, after the thorough discussion [and] study for all parties involved, I think it [premium contribution increase] was agreed upon,” dagdag pa.

Ang premium increase ay umiral noong Enero para sa mga kumikita ng P10,000 hanggang P100,000 buwan-buwan.

Ang may buwanang sahod naman na P10,000 ay magbabayad ng P500.

Para sa mga kumikita ng P10,000.01 hanggang P99,999.99 kada buwan ay magbabayad ng P500 hanggang P5,000 premium sa PhilHealth, at ang kumikita ng P100,000 kada buwan ay magbabayad ng P5,000 kada buwan. RNT/JGC

Previous articleDBM sa LGUs: Budget gamitin nang tama
Next articleDENR: Marine research station itatatag sa Cagayan