MANILA, Philippines- Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ni Senador Raffy Tulfo na imbestigahan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Pinaalalahanan ni Tulfo nitong Martes, Mayo 16, si Pangulong Marcos sa posibilidad ng seryosong banta sa seguridad ng bansa ang maliit na porsyon na pagmamay-ari ng China ang NGCP.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagpahayag ng kanyang intensyon si Tulfo kay Pangulong Marcos na i-assess ang performance ng NGCP.
Pumayag naman ang Pangulo hinggil dito at nagpahayag na ang gobyerno ang magko-kontrol sa ahensiya kung kinakailangan.
“The President agreed with the senator’s proposal to conduct a comprehensive study or hold hearings to determine the actual situation. If necessary, the government will take back control of the entity,” ayon sa PCO sa isang kalatas.
Advertisement
Advertisement