Home NATIONWIDE Palasyo tikom sa hiwalay na pulong ni Marcos sa Kamara, Senado

Palasyo tikom sa hiwalay na pulong ni Marcos sa Kamara, Senado

MANILA, Philippines-  Iginiit ng Malacañang nitong Biyernes na “confidential” ang mga tinalakay sa hiwalay na pulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga mambabatas mula sa dalawang Kapulungan ng Kongreso nitong Huwebes.

“The meetings were held in executive session so all matters tackled therein are treated confidential,” pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil nang tanungin ukol sa detalye ng pulong ni Marcos sa mga pinuno ng Senado at Kamara.

Ayon kay Senator Imee Marcos, kapatid ng Pangulo, ipinagpaliban ang nakatakdang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting nitong Huwebes.

Sa halip, hiwalay umanong pinulong ni Marcos ang Senate at House leaders sa gitna ng hindi pagkakasundo ng dalawang kapulungan ukol sa pagsusulong na amyendadan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng people’s initiative. RNT/SA

Previous article3 LTO employees kalaboso sa pagpuslit ng unregistered plates; 1 pa tinutugis
Next articleBARMM binati ni PBBM sa ika-5 anibersaryo