Home NATIONWIDE Palawan target sa kauna-unahang PH mega ecozone

Palawan target sa kauna-unahang PH mega ecozone

MANILA, Philippines – Target ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na itayo ang kauna-unahang mega economic zone ng bansa sa Puerto Princesa City, Palawan sa land development na nasa 26,000 ektarya, ani Director General Tereso Panga.

Ani Panga, ang mega ecozones ay trend sa Southeast Asia upang makapaghikayat ng big-ticket investments.

“We want to see a cluster of industry in an area where the ecosystem can be developed to facilitate the whole supply chain in manufacturing, (a) vertical integration,” pahayag ng PEZA chief.

Ang mega ecozone ay magkakaroon ng sarili nitong kuryente, water supply at pantalan.

Angkop ito upang matugunan ang buong supply chain ng electric vehicle industry.

Kasalukuyang nakikipag-usap ang PEZA sa Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay sa land development na target sa Barangay Iwahig, kung saan matatagpuan ang penal colony.

Pipirma ang PEZA at BuCor ng memorandum of agreement ngayong buwan sa paggamit ng ari-arian ng una.

Ito na ang ikalimang public ecozone ng PEZA matapos ang Baguio, Pampanga, Cavite at Mactan sa Cebu.

“There is no available privately owned land in the Philippines of that scale. Otherwise, you go to the IPs (indigenous peoples) — big enough to accommodate those big-ticket projects,” ani Panga.

Hindi pa ibinahagi ni Panga ang halaga ng development sa mega ecozone dahil nagsasagawa pa ng pag-aaral ang PEZA sa proyekto. RNT/JGC

Previous articleKapayapaan, pagkakaunawaan nakamit sa APPF – Romualdez
Next articleBelmonte nais ng patas na imbestigasyon sa pulis na nagpaputok ng baril sa labas ng bar sa QC