Home METRO Palengke naabo sa Kankaloo

Palengke naabo sa Kankaloo

MANILA, Philippines – Walang naisalba ang mga tindera’t tindero sa natupok na palengke sa Brgy. 180 North Caloocan gabi ng Enero 29.

May mga pagsabog sa nagliyab na hindi bababa sa 17 tindahan at dalawang motorsiklo 10pm nitong Lunes.

Umabot sa ikalawang alarma ang apoy na nirespondehan ng 12 firetrucks at naapula matapos ang halos isa’t kalahating oras.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mahina ang tubig sa mga hydrants sa lugar at may mga tindang liquefied petroleum gas at mantika sa naturang pamilihan kaya mabilis itong naabo.

Patuloy sa pag-iimbestiga ang BFP sa dahilan at halaga ng pinsala ng sunog. Merly Iral

Previous article#WalangPasok: Peb. 9-10, holiday – Malakanyang
Next article2 NPA tigok sa sagupaan sa Agusan Norte