Home METRO Palengke nagliyab; pinsala higit P200M

Palengke nagliyab; pinsala higit P200M

default

SAN FERNANDO CITY, La Union- Nilamon ng apoy ang isang public wet market sa Barangay Ilocanos Sur sa lungsod na ito nitong Huwebes.

Sinabi ni Fire Chief Insp. Jun Wanawan ng Bureau of Fire Protection sa lugar na ito na nakatanggap sila ng ulat dakong alas-2 ng madaling araw ukol sa sunog sa palengke.

Ani Wanawan, agad na rumesponde ang mga bumbero at tuluyang natupok ang apoy ng alas-6:20 ng umaga.

“As of this time, we are still conducting firefighting operations on the ground while we are investigating the cause of the fire,” aniya.

Inasistihan ang BFP ng kanilang mga kasamahan mula sa Bacnotan, San Juan, Bauang, Luna, Aringay, Agoo, Caba, Balaoan, at Naguilian, ng lalawigan; Filipino-Chinese fire volunteers, Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, San Fernando Community Airport, Poro Point Management Corp., Philippine Red Cross, Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, Philippine Navy, Philippine National Police, at AQN Marketing Corp.

Isinailalim ng city government ang lungsod sa state of calamity upang mailabas ang calamity fund para sa agarang relief at assistance at recovery ng mga apektadong stall owners at mga negosyante.

Anito, nasa 1,156 stalls ang nawasak at napinsala na aabot sa mahigit P200 milyon.

Umapela naman si La Union Gov. Rafy Ortega-David ng donasyon para sa mga apektadong vendors at stall owners.

“Kaprobinsyanihan, I am knocking on your kind hearts to help the stall owners and vendors affected by this unfortunate incident,” wika niya.

“Makakatulong po ang inyong mga donation para sa ating mga kaprobinsyanihan (Your donations will help those affected). For in-kind donations, you can direct your donations to the City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) located at North Tanqui Terminal, City of San Fernando, La Union. For monetary donations, you may direct it at the City Treasury Office located on the first floor, City Hall, City of San Fernando, La Union.” RNT/SA

Previous article2 kalaboso sa P7.9M shabu!
Next articleShear line, amihan magpapaulan sa Luzon, Visayas