Home NATIONWIDE Palit-pangalan ng NAIA, tinabla ng solon: Rehab muna bago name change

Palit-pangalan ng NAIA, tinabla ng solon: Rehab muna bago name change

MANILA, Philippines – Matinding tinabla ni Senador Nancy Binay ang pagpapalit ng pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa halip simulan ang rehabilitasyon ng paliparan na mas prayoridad sa ngayon.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na kailangan nang magkaroon ng rehabilitasyon sa NAIA na umani ng sunod-sunod pagbatikos sanhi ng pagkawalan ng suplay ng kuryente na naapektuhan ang libong pasahero.

“Siguro bago natin pag-usapan ang pagpapalit ng pangalan ay tutukan muna natin ang pag-aayos ng NAIA. First step itong na-award na, and hopefully within a year ay may makikita na tayong improvement pagdating dito sa ating airport,” ayon kay Binay.

“Sa akin itong usapin ng pagpapalit ng pangalan ay hindi pa napapanahon, at hindi na dapat natin pagaksayahan ng panahon ang ganyang pagpapalit,” giit pa ni Binay.

Nitong Biyernes, inihayag ng Department of Transportation na napanalunan ng isang consortium sa pangunguna ng San Miguel Corp. (SMC) ang bidding sa P170.6 billion NAIA rehabilitation project.

Nagwagi ang SMC SAP & Co. Consortium sa public-private partnership project matapos nitong ipanukala ang 82.16-percent revenue sharing scheme sa gobyerno.

Ibinabala ni Binay na magkakaroon ng pangdaigdigang implikasyon ang pagpapalit ng pangalan ng NAIA at maaari itong magdulot ng pagkalito sa turista.

“Malilito na naman ang mga turista natin dahil pabago-bago ang pangalan ng airport,” aniya.

Kinontra rin ni Binay an panama na kailangan nang baguhin ang pangalan ng paliparan kay Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa panahon ni dating Pres. Corazon Aquino.

Napatalsik ang diktadurya ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ama ng kasalukuyang pangulo, noong 1986 sanhi ng malawakang dayaan na nag-ugat sa pagpaslang kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Sr., at malawakang pagpaslang sa oposisyon sa 20-taong pangungurakot ng administrasyon nito.

“Remember ang ganyang mga [name change], may ano ang National Historical Commission. Kumbaga dumaan naman yan sa proseso bago napalitan ang pangalan at naging Ninoy Aquino International Airport,” ani Binay. Ernie Reyes

Previous articleWalang ‘chop chop’ syndicate na kumikilos sa NCR – PNP
Next articleTolentino panauhing pandangal sa Cavite mass wedding