Home NATIONWIDE Paluto sa El Nido, bawal na

Paluto sa El Nido, bawal na

400
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng El Nido sa Palawan ang “paluto” o cooked to order services para sa mga turista kasabay ng kanilang mga aktibidad tulad ng island hopping.

Ito ay dahil umano sa mga insidente kung saan ilang turista ang nakaranas ng pananakit ng tiyan.

Batay sa ulat, Enero ngayong taon ay mahigit 200 turista sa lugar ang nagkasakit at nakaranas ng diarrhea o acute gastroenteritis.

Sa pagpupulong ng lokal na pamahalaan at tour at boat operators, nananatiling pagsubok pa rin umano ang kakulangan ng mapagkukunan ng malinis na tubig.

Sa kabila rin ng patuloy na food safety training, minsan ay nagkukulang din sa kaayusan sa food preparation ng ilang travel operator.

Ang ilan din umano ay nagluluto sa bangka, na lubhang kulang sa malinis at ligtas na pasilidad para sa pagluluto.

Samantala, hindi pa malinaw kung saan at paano makakakuha ng makakain ang mga turista kasunod ng pansamantalang pagbabawal sa paluto.

Nakatakdang maglabas ng panuntunan ang LGU sa naging kasunduan ng tour operators at motor boat association.

Sinabi naman ng Department of Tourism (DOT) na handa silang makipag-usap sa LGU upang matulungan sa sitwasyong ito.

“Our tourism destinations fall within the territorial jurisdiction of our LGUs. From our end, we would love to collaborate with the LGU in terms of trying to ensure that while we manage the water quality, we are also able to manage activities that are not necessarily harmful to the environment or would unduly deprive livelihood to our local vendors,” ani DOT secretary Christina Frasco. RNT/JGC

Previous articleCentral Post Office, ininspeksyon na
Next articleAndrea, aminadong tabingi ang mukha!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here