Home NATIONWIDE Pamahalaan bubuo ng ‘world-class’ infra sa pagsisiguro ng investors’ growth

Pamahalaan bubuo ng ‘world-class’ infra sa pagsisiguro ng investors’ growth

MANILA, Philippines – PAGSISIKAPANG mabuti ng pamahalaan para makapagpatayo ng “world-class” infrastructure na maaaring maghatid ng kaunlaran para sa kasalukuyan at inaasahang mamumuhunan sa Pilipinas.

Nagbigay katiyakan ang Pangulo matapos na pangunahan nito ang pag-inspeksyon sa Airport to New Clark City Access Road (ANAR) sa Sacobia Bridge na matatagpuan sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga.

Aniya, ang ANAR project ay “part of a larger package of Build Better More activities” na makapagpalawak ng Clark metropolis’ profile sa global investment map.

“Project such as this all convey one message to prospective investors: It conveys the message that we are committed to building world-class infrastructure that can host a business in a high-growth area,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“The government is ready to provide adequate infrastructure and facilities to ensure the growth of their future investment,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na tiyakin kompleto ang natitirang trabaho para sa 20-kilometer ANAR Project.

Tinukoy ang track record ng BCDA, kumpiyansa si Pangulong Marcos na susundin ng ahensiya ang mga kaugnay na “procurement rules, laws, at regulations.”

“The BCDA has a major role to play in the Bagong Pilipinas (New Philippines) vision that all Filipinos are working hard to achieve,” ayon sa Pangulo.

“Your contribution to Bagong Pilipinas goes beyond your physical inventory of projects delivered, planned, and being built. The BCDA’s contribution to the Bagong Pilipinas would also include a culture of excellence, of innovation, of foresight, and of industry,” aniya pa rin.

Ang 20-kilometer ANAR Project, na may kabuuang halaga na P8.42 billion, nagsisilbi bilang dedicated access road para palakasin ang connectivity sa kabilang panig ng Luzon, revolutionizing travel at kalakalan sa pagitan ng Central at Northern Luzon, Metro Manila, at Clark International Airport.

Kabilang sa proyektong ito ang 900-meter bridge sa itaas ng Sacobia River sa Bamban, Tarlac na ipinapakita ang galing ng pag-iinhinyero at environmental sensitivity.

Layon nito na pagaanin ang matinding daloy ng trapiko at pasiglahin ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pag-improve sa travel efficiency sa Luzon, ikonekta ang major urban centers and transportation hubs, bawasan ang travel time mula New Clark City patungong Clark mula sa isang oras ay magiging 20 minuto na lang at pangalagaan ang progreso sa kalapit na lugar.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na “unlocking Clark’s full potential is a “continuing task” para matiyak ang tagumpay ng Build Better More Program ng administrasyon.

Layon din aniya ng pamahalaan na gawin ang Clark bilang “an alternative growth area,” ikonsidera rito ang abilidad na i-accommodate ang malawak na saklaw ng economic activities at posisyon nito bilang “in the heartland of an agricultural powerhouse.”

“In short, the Clark metropolis has what it takes to be a mecca for tourists, a magnet of investments, and a market of goods and services. We must leverage these attributes into higher visitor traffic, attracting more investments that generate better jobs and spur economic activity,” ayon sa Pangulo.

Samantala, ang implementasyon ng infrastructure projects sa ilalim ng Build Better More program ay alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2027 ng administrasyong Marcos. Kris Jose

Previous articleStaggered rollout ng P100 wage hike suhestyon ni Concepcion
Next articleSolons kay Sen. Imee: ‘Wag lang Marites, mga alegasyon patunayan