Home NATIONWIDE Pamahalaan dapat transparent sa EDCA expansion – analyst

Pamahalaan dapat transparent sa EDCA expansion – analyst

127
0

MANILA, Philippines – Dapat umanong maging bukas o ‘transparent’ ang pamahalaan sa mga plano nito, katulad ng pagdaragdag ng mas marami pang lugar para sa mga sundalong Amerikano.

Ito ay upang maiwasan umano na maging target ang bansa ng mga kalaban ng Estados Unidos.

Ani security analyst Rommel Banlaoi sa panayam ng ABSCBN, bagama’t mas mapoprotekahan ang teritoryo ng Pilipinas lalo na sa disputed territories, posible rin na mapag-initan ang bansa ng mga kalaban ng US.

“Malinaw na ang Amerika ay nagsasagawa ng iba’t ibang military action… Kung hindi malinaw yung intensyon ay hindi din magiging malinaw ang papel ng Pilipinas,” sinabi ni Banlaoi.

“Nagtri-trigger din ito ng maraming economic activites sa Pilipinas at yan ay nakakatulong sa ating economic growth… Pero may mga social costs din na associated sa American military activities,” dagdag niya.

“May long-term consequences din yan… Malalagay tayo sa radar strain ng adversaries ng Estados Unidos.”

Nauna nang inanunsyo ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa pagbisita nito sa Maynila kamakailan, na mas madaragdagan pa ang presensya ng US military sa Pilipinas.

Sa pahayag ay sinabi rin ng Pentagon na nagkasundo ang Manila at Washington ng joint patrols sa West Philippine Sea, na nauna nang sinalag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“With increased American military presence in Philippine territories ay ini-expect natin na mag-slow down ang China sa activities sa South China Sea. Pero sa nakita natin in the past, hindi na-deter yung China. Na-provoke pa yung China,” sinabi pa ni Banlaoi.

“Dapat ay maging transparent ang mga parties concerned para hindi magkaroon ng miscalculations sa areas na sa tingin ko ay napaka-fragile,” pagpapatuloy niya.

Giit pa ng security analyst, dapat na i-balanse ng Pilipinas ang mga hakbang nito laban sa dalawang bansa, China at US.

“Ang Pilipinas ngayon ay namamangka sa dalawang ilog… It’s really a difficult situation that our country is in,” aniya.

“Mahalaga na ang US, China at Pilipinas ay ipursue yung preventive diplomacy para yung mga military activities nila ay hindi humantong sa isang digmaan at magkaroon ng efforts to avoid armed conflicts sa South China Sea,” dagdag pa nito. RNT/JGC

Previous articlePaggamit ng local dialect sa pagtuturo, tablado sa Filipino – Gatchalian sa survey
Next articleEDCA deal ‘di dapat ikabahala – Galvez