Home NATIONWIDE Pamahalaan gumagawa ng hakbang sa pakikipagsabayan ng MSMEs sa e-commerce

Pamahalaan gumagawa ng hakbang sa pakikipagsabayan ng MSMEs sa e-commerce

69
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na may ginagawa na silang hakbang  para makasabay ang mga maliliit na nesosyante sa modernong takbo ng pagnenegosyo.

Sa Laging Handa Public briefing, inihayag ni DTI Assistant secretary Glenn Penaranda na mayroon silang dine-develop na “concierge of services”  na puwede aniyang i-tap ng mga MSME’s upang makabilang sa mundo ng e- commerce.

Pwede rin ani Penaranda na lumapit sa kanilang tanggapan sa ibat-ibang lugar sa bansa para matulungang magkaroon ang mga ito ng digital assets, website, pictures at ng sa gayon ay mapabilang sa “online market places.”

Kabilang din aniya  sa kanilang ginagawang priority project ay ang Digital market place  kasama ang DICT.

Sa  kasalukuyan,  sinabi ni Penaranda na  iniipon na nila ang impormasyon mula sa ibat-ibang mga kumpanya na maaaring ilagay sa digital market place at mula dito ay magkakaroon sila ng impormasyon tungkol sa financial transaction na magiging basehan aniya nila sa pagbibigay ng financial support sa mga MSMEs. Kris Jose

Previous articleMas mababang power rates sa Mindanao, posible sa spot market – PBBM
Next articleBarangay workers bibigyan ng accident insurance ng Manila LGU