Home NATIONWIDE Pamahalaan hinimok, planong total ban sa paputok irekonsidera

Pamahalaan hinimok, planong total ban sa paputok irekonsidera

MANILA, Philippines – Umapela ang local group ng fireworks at firecrackers manufacturers nitong Martes, Disyembre 19 sa pamahalaan na irekonsidera ang planong pagbabawal o total ban sa mga paputok, sabay-sabing hindi nito mapahihinto ang bentahan ng produkto lalo na sa black market.

Sa pamamagitan ni Philippine Fireworks Association (PFA) President Joven Ong, umapela ang industriya sa naging panawagan ni Interior Secretary Benjamin C. Abalos Jr.’s sa lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng mga paputok at fireworks sa kanilang mga lugar.

Ani Abalos, maaari umanong maglagay ng lugar kung saan gagawin ang fireworks displays.

“Whenever there’s a ban, all legal manufacturers will close and follow the ban, but the real culprit in all these accidents and injuries are the illegal ones. They will not close shop and actually earn a lot more after the legal ones follow the ban,” sinabi ni Ong.

“Let’s not reward the illegal manufacturers by having a ban. Instead, (the) government should put more effort in regulating existing laws,” pagpapatuloy niya.

Sinabi ng PFA official na ang illegal manufacturers na walang lisensya o Philippine Standard (PS) marks sa kanilang mga produkto ang dapat na mapigilan.

“(The Department of Trade and Industry’s Bureau of Philippine Standards) should close all the non-PS marked manufacturers who, year-in and year-out, don’t want to apply for licenses,” ani Ong.

Sinabi rin niya na ang bentahan ng ipinuslit na mga paputok mula sa China ay lubha nang nakakaapekto sa kanilang industriya.

“We complain about them but they still exist. Then, all the injuries that come from these items are blamed on the legal fireworks industry,” aniya.

Umaasa umano si Ong na papakinggan ng kalihim ang kanilang hinaing at tututok ang pamahalaan sa paglaban sa illegal manufacturers at smugglers. RNT/JGC

Previous articleHoliday ceasefire sa CPP-NPA ‘di irerekomenda ng PNP – Fajardo
Next articleForeign hackers posibleng sangkot sa pag-hack sa FB pages ng PNP – Fajardo