Home NATIONWIDE Pamahalaan hinimok sa mas maigting na cybersecurity

Pamahalaan hinimok sa mas maigting na cybersecurity

MANILA, Philippines – Dapat na mas palakasin pa ng pamahalaan ang preventive measures nito upang maiwasan ang data breach at mga pag-atake na naranasan ng ilang government agencies sa mga nakalipas na araw.

Ito ang sinabi ni Dominic Ligot, founder ng Data Ethics PH nitong Lunes, Oktubre 16 kung saan ang mga kasalukuyang batas katulad ng Data Privacy Act at Anti-Cybercrime Law ay naipatutupad lamang matapos ang breach o krimen na nangyari.

“We need more rules and policies that are more preventive in nature, how do we set up structures and systems that look to monitor and detect breaches,” ani Ligot sa panayam ng ANC.

Ang audit ng “every government portal that’s accessible via the internet” ay kailangan aniya.

Nitong Linggo, na-hack din ang website ng Kamara.

Ani Ligot, maaaring uri ito ng “hacktivism” na ipinapakita lamang ng mga hacker ang pagiging mahina ng mga website ng mga ahensya ng pamahalaan upang ipanawagan na ayusin ang sistema.

Maliban sa Kamara, inatake rin ng security breaches ang mga website ng Philippine Health Insurance Corp., Philippine Statistics Authority, Philippine National Police, at Department of Science and Technology.

Pinuna naman ni Ligot ang kakulangan ng mga ahensya ng pamahalaan sa cybersecurity expertise.

Dahil dito, suhestyon niya ay “there should be a permanent role in every organization” that could immediately respond to cybersecurity incidents, “the same way we have fire marshals, for example.”

Importante rin aniya ang cybersecurity education sa mga tauhan ng pamahalaan.

“Sometimes weak passwords could be the culprit. If people are unable to secure their web servers with appropriate passwords any attacker can come in,” ani Ligot.

“The employees of PhilHealth and other agencies might have accidentally clicked some malware or attachment to an email and that’s enough for an attacker to come in.” RNT/JGC

Previous articleNational warehouse database target ng DTI vs agri smuggling, hoarding
Next articlePamumuno ni Romualdez sa Kamara suportado ng Davao solon