Home NATIONWIDE Pamahalaan hinimok sa rehabilitasyon, post-El Niño interventions

Pamahalaan hinimok sa rehabilitasyon, post-El Niño interventions

MANILA, Philippines – Inatasan ang pamahalaan, utility firms at iba pang stakeholder na isama sa kanilang mitigation at response plans ang rehabilitation at post-El Niño interventions, kasabay ng pagsalanta ng tagtuyot sa probinsya ng Negros Oriental dahil sa nasabing phenomenon.

“We will come up with a comprehensive provincial action plan aligned with the national action plan but in a localized setting with some innovations,” giit ni Adrian Sedillo, executive director ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Biyernes, Enero 26.

“Hopefully, the agencies have included rehabilitation in their current action plans considering not just the immediate effects but also post-El Niño consequences.”

Ani Sedillo, nagbigay na ng go-signal si Governor Manuel Sagarbarria para magpulong ang PDRRM Council sa unang linggo ng Pebrero at pag-usapan ang contingency plans para sa maayos at coordinated interventions.

Ang PDRRMC, na chairman ang gobernador, at binubuo ng ilang ahensya ng pamahalaan at opisina, kasama ang partner stakeholders, ay bubuo ng comprehensive at integrated disaster risk reduction plan habang ang PDRRMO ang magpapatupad ng plano.

Ayon kay Sedillo, ang katindihan ng El Nino ay nagdulot ng tagtuyot sa Negros oriental.

Iginiit niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng contingency plan sa rehabilitasyon at iba pang post-El Niño programs upang masiguro na makakaahon sa pagkalugi ang mga apektadong magsasaka.

Inaasahang tatagal pa hanggang sa ikalawang bahagi ng taon ang kasalukuyang tagtuyot. RNT/JGC

Previous articleBrahMos missiles mula India, malapit nang maihatid sa Pilipinas – envoy
Next articleIllegal logger tiklo sa checkpoint sa Nueva Vizcaya