MANILA, Philippines – ANG patuloy na pagbaba at pagbagal ng inflation rate sa bansa ay “encouraging” na balita para sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sa video message ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes, Hunyo 6, sinabi nito na ang balitang ito ay “very welcome” kasabay ng pagbuti ng employment rate sa bansa.
“Today we received encouraging news that our inflation rate has now gone down – our headline inflation rate has gone down from 6.6 percent to 6.1 percent, and our employment figures are also improving,” ayon sa Pangulo.
“And so, it would seem that we have started off in the right direction, on the right foot. Tama naman yata ang ating ginawang mga polisiya para buhayin ulit at gawing masigla ulit ang ating ekonomiya,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ng 6.1% ang inflation rate ng bansa noong Mayo, ikaapat na magkakasunod na buwan ng “deceleration”.
Tinuran pa ng PSA na kapuwa ang transportasyon at halaga ng pagkain ang dahilan ng pagbagal ng inflation, nagbigay ng kaginhawaan sa mga indigent Filipino.
“Sa ngayon, ‘yung growth rate natin ay maganda pa rin at siguro isa na sa pinakamaganda sa buong mundo ang ating growth rate. So lumalaki nang lumalaki at sumisigla ang ating ekonomiya,” ayon sa Pangulo.
“Kaya’t mukhang tama ang ating ginagawa. Ipagpatuloy natin ang ginagawa natin para naman makita natin na bumalik tayo sa magandang sitwasyon ulit,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Maliban sa ganap na pagbubukas ng industriya at mga negosyo, agresibong isinusulong ng administrasyong Marcos ang paggamit ng modernong teknolohiya para sa digital transformation ng bansa.
“It is coupled with the passage of relevant legislations such as the Republic Act 11032, or the Ease of Doing Business Act, which entices entrepreneurs to open up their businesses in the Philippines by facilitating business and non-business transactions including the issuances of permits and licenses,” ayon sa ulat.
Mananagot din sa batas ang mga opisyal ng pamahalaan na masasangkot sa anumang graft and corruption at iregularidad sa pakikipag-deal sa mga negosyante na nais na mamuhunan sa bansa.
Sa ilalim ng batas, sa simpleng transaksyon, ang processing period ay dapat na tatlong araw lamang habang para naman sa complex transactions, ang processing period ay dapat na pitong araw lamang at para naman sa highly technical transactions, ang processing period ay dapat na 20 araw lamang. Kris Jose