Home NATIONWIDE Pamahalaan nagbigay ng P153B subsidiya sa GOCCs mula Enero ‘gang Nobyembre

Pamahalaan nagbigay ng P153B subsidiya sa GOCCs mula Enero ‘gang Nobyembre

MANILA, Philippines – Umabot sa P153 bilyon ang subsidiyang ibinigay ng pamahalaan sa government-owned and controlled corporations (GOCCs) mula Enero hanggang Nobyembre.

Sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), lumabas na ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang may pinakamalaking tinanggap na budgetary support na aabot sa P50.7 bilyon.

Ikalawa ang National Irrigation Administration (NIA) sa P38.4 billion.

Ikatlo naman ang National Housing Authority sa subsidiyang P17.8 billion.

Ilan pa sa top recipient GOCCs ay ang National Food Authority (NFA) na may P9.7 billion; Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation, P5 billion; Philippine Crop Insurance Corporation, P4.6 billion; Philippine Fisheries Development Authority, P3.3 billion; at Bases Conversion and Development Authority, sa P2.9 billion.

Noong Nobyembre lamang, umakyat sa P6.7 bilyon ang subsidiya sa GOCCs mula sa P6.1 bilyon noong nakaraang taon. RNT/JGC

Previous articleMga nakumpiskang paputok sa Cavite, winasak
Next articleKaso ng fireworks-related injuries, lumobo sa 115