Home NATIONWIDE Pamahalaan nagbukas ng 25K slots sa libreng ICT training courses

Pamahalaan nagbukas ng 25K slots sa libreng ICT training courses

MANILA, Philippines – Nagbukas ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng 25,000 application slots para sa libreng ICT training courses.

Bukas ito sa lahat ng government employees kabilang ang faculty at mga estudyante mula sa state and local public universities, sinabi ng ICT Literacy and Competency Development Bureau (ILCDB) ng ahensya.

Kabilang sa mga course ay ang Python programming, big data, digital transformation, cloud computing, software engineering, digital marketing, web development, mobile application development, at graphic design.

Ang self-paced courses ay open for registration at maaaccess hanggang Disyembre 2024. RNT/JGC

Previous articleVP Duterte caretaker ng Pinas sa state visit ni PBBM sa Vietnam
Next articleHigit 40 sasakyan nagkarambola sa tulay sa US