Pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP, mas mabilis sa tulong ng PNP – DILG

Pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP, mas mabilis sa tulong ng PNP – DILG

May 28, 2020 @ 6:36 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Naniniwala si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan E. Malaya na mapapabilis na ang pagbibigay ng 2nd tranche ng Social Ameliration Program (SAP) sa tulong ng Philippine National Police (PNP).

Aniy Malaya, makakatulong ang Pambasang Pulisya sa mga geographically isolated at disadvantaged areas sa bansa sa pag-asiste sa pamimigay ng SAP ng local government units (LGUs) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Nakahanda naman po ang ating kapulisan para alalayan ang DSWD at mga LGUs sa pamimigay ng ayuda sa mga malalayo at ilang na lugar sa ating bansa para masiguro na matatanggap ito ng ating mga kababayan,” ayon kay Malaya.

Sinabi ni Malaya na inaasahan niya na ang payout ng 2nd tranche ng SAP cash aid ay magiging mas mabisa at sistematiko dahil natutunan na ng mga LGUs ang mga pagkukulang sa naunang payout.

“Kinikilala namin ang napakalaking paghihirap na dinaranas ng mga LGU sa pamamahagi sa unang tranche ng SAP. Nauunawaan namin ito dahil ito ang pinakamalaking financial cash aid para sa mga mahihirap na pamilya sa kasaysayan ng bansa,” saad pa ni Malaya.

Umaasa si Malaya na magiging mabilis na ngayon ang pamamahagi ng ikalawang ayuda na mula sa National Government dahil alam na ng mga LGU’s ang mga benepisaryo na pamilya at ang mga hindi nakatanggap ng SAP noong una.

Ngayong araw Mayo 28, ang deadline ng DILG ng pagsusumite ng ‘liquidation’ ng LGUs ng encoded na listahan ng mga benepisyaryo para sa pangalawang tranche sa DSWD.

“Tulad ng utos ni Kalihim Eduardo Año, kailangang tapusin na ng mga LGUs ngayon (May 28) ang liquidation report nila ng first tranche at isubmit na nila ito pati na ang encoded list of beneficiaries sa DSWD. Saka pa lamang tayo makapagpapatuloy sa 2nd tranche,” paliwanag pa ng opisyal.

Batay sa mga ulat mula sa DSWD, 472 LGU lamang mula sa 1,634 LGU sa buong bansa ang nagkapagsumite ng kanilang mga ulat sa pag-liquidate sa ahensya nitong Mayo 26, 2020.

Binigyang-diin din  ni Malaya na kailangang tanggapin din ng mga LGUs ang mga isinauli o ni-refund na SAP cash aid mula sa mga benepisyaryo na nakatanggap ng katulad na benepisyo mula sa ibang mga ahensya ng gobyerno tulad ng 4Ps, CAMP ng DOLE at SBWS ng SSS.

“Ang lahat ng naibalik na cash subsidy ay maaaring ibigay sa mga “left-out” families sa kanilang nasasakupan bago ang liquidation, basta sila ay kwalipikadong makatanggap ng SAP ayon sa mga alituntunin ng DSWD. Para naman sa naibalik na cash aid mula sa mga benepisyaryo matapos ang liquidation ng mga LGUs, sinabi ni Malaya na ireremit ang mga ito sa DSWD field offices.

“Dapat magbigay ng official receipt sa mga benepisyaryo bilang patunay ng kanilang refund,” dagdag pa ng tagapagsalita ng DILG. Jan Sino Cruz

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...