Home NATIONWIDE Pamamahagi ng bigas sa halip na cash sa 4Ps, ‘logistically hard’ –...

Pamamahagi ng bigas sa halip na cash sa 4Ps, ‘logistically hard’ – Gatchalian

MANILA, Philippines- “Logistically hard.”

Ganito kung ituring ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang panukalang bigas sa halip na pera ang uri ng tulong na ibigay sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Gatchalian na masusing pinag-aaralan ng DSWD at Department of Agriculture (DA) ang nasabing panukala.

“We always say it’s logistically hard pero patuloy kaming nag-uusap ng Department of Agriculture kung paano ma-implement ito. Kaya logistically hard, kasi kung iisipin ninyo kalat-kalat ‘yung ating mga benepisyaryo… 4.4 million spread across different areas in the country, sometimes in the most geographically isolated and disadvantaged areas, mga bundok, mga isla,” ayon kay Gatchalian.

Winika pa ni Gatchalian na ang magiging alalahanin na lamang ay ang storage na paglalagyan ng bigas sa oras na maisulong na bigas sa halip na cash ang ibigay na tulong.

Tinuran ni Gatchalian na sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, dumalo sa sectoral meeting, na ang cost analysis ay dapat na gawin kaugnay sa panukalang ito.

”Sabi nga ni Secretary Balisacan, we have to do a cost analysis. Baka naman ‘yung binibigay natin na tulong eh ma-diminish dahil nga doon sa hirap naman na kunin,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi naman ni DA Undersecretary Roger Navarro na tinitingnan ni Pangulong Ferdinand Marco Jr. ang panukalang bigas ang ibigay na tulong sa ilalim ng 4Ps ng DSWD sa halip na pera.

Ayon pa kay Navarro, ang i-convert ang 4Ps sa pamamagitan ng pagsu-suplay ng bigas sa halip na pera ay maaaring makapagpagaan sa rice inflation.

“Actually, it was suggested in [a Palace press briefing] that we have the 4Ps, for example, for DSWD. We told the President that if we can convert the 4Ps instead of money, it should be on rice form, supplied by [the National Food Authority]. So we will take them out in the price pressures of the market in terms of buying high-price rice. These are 20% all over the country which are the vulnerable poor under the DSWD that is beneficiary for 4Ps,” ayon kay Navarro.

Gayunman, sinabi ni Gatchalian na maging ang Pangulo ay nagpahayag ng logistical concerns kaugnay sa nabanggit na panukala.

”I told the President we will continue studying [the proposal], but the President also said baka logistically mahihirapan. So we are not saying no, studies are ongoing, pero taken into account the logistics na kailangan para hindi mahirapan ang ating mga kababayan,” pahayag ng opisyal.

Ipinatupad ng DSWD, ang 4Ps ay ang national poverty reduction strategy ng gobyerno gaya ng nakasaad sa ilalim ng Republic Act 11310 o “An Act institutionalizing Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)” na nilagdaan noong Abril 17, 2019.

Itinulad sa conditional cash transfer scheme na ipinatupad sa ibang developing countries, ang 4Ps ay nagbibigay ng cash grants sa mga benepisaryo sa kondisyong kailangan nilang sumunod sa mga kondisyong hinihingi ng programa. Kris Jose

Previous articleMessi nagpaliwanag sa hindi pagsipot sa Hong Kong
Next articlePapel ng PH film sector sa paghubog ng kultura, ekonomiya pinuri ni Sen. Go