Home OPINION PAMASAHE: ANGKAS – P396, JOYRIDE – P286

PAMASAHE: ANGKAS – P396, JOYRIDE – P286

637
0

ALAM ba ninyong napakamahal ang singil ng Angkas kumpara sa kalaban nito, gaya ng JoyRide?

Halimbawa, sumisingil ang Angkas ng nasa P396 para sa 40 kilometrong biyahe pero ang Joyride, P286 lang.

Ang 40 kilomentrong distansya, mga brad, eh, nasa pagitan ng Taft Avenue, Manila at Taytay, Rizal na kung gagamit ka, halimbawa ng NMAX na 155cc, sakto na katapat ng isang litro ang 40 kilometrong distansya at makatitipid ka pa sa Mio 125 na may konsumong 46 kilometro kada litro para sa nasabing distansya.

Paano mo ihaharap ngayon ang singil ng Angkas sa fare matrix na inisyu ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board noong 2020 na hanggang ngayon, sa pagkakaalam ko, ay hindi pa napapalitan?

Heto: Para sa Metro Manila, P50 para sa unang 2km; P10 hanggang 7km; P15 sa mga susunod pang kilometro habang sa Metro Cebu/ Cagayan De Oro, P20 sa unang 2km; P16 hanggang 8km at P20 sa mga susunod pang kilometro.

Kayo na lang ang magkwenta kung magkano ang kita at gastos ng Angkas base sa fare matrix para sa 40 kilometrong distansya gamit ang nasabing mga uri ng motorsiklo.

Eh paano kung may milagrong gawa ng Angkas driver gaya ng paniningil nang mahal kung rush hour o pangongontrata gaya sa mga mall, lalo na sa gabi?

Hindi mabilang sa daliri ang nagrereklamo sa napakataas na singil ng Angkas sa rush hour at sa pangongontrata.

Ang nasasaktan sa pagpipiyesta ng Angkas sa mahal na singil? Ang mga komyuter o mananakay dahil halos kapantay o mas mahal pa ang singil ng Angkas sa mga taxi na walang daya sa metro.

Ngayon, itong si Angkas CEO George Royeca, sinabing sa loob ng nakalipas na anim taon ay may 30,000 nang rider-partners na sinanay para sa ligtas na paglalakbay at may app download nang 18 milyon at tinatamasa ang malaking kita mula sa maliit na negosyo.

Ang Angkas umano, eh, sa kapakanan ng lahat ng mananakay at komunidad na umaasa sa magandang serbisyo nito.

Utot mo!

Previous articlePCG PINURI SA PAGLALAGAY NG NAVIGATIONAL BUOYS SA WEST PHILIPPINE SEA
Next articleHUWAG MATIGAS ANG ULO SA COVID-19 AT EL NIÑO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here