Home NATIONWIDE Pamasahe sa eroplano inaasahang tataas sa pagtaas ng fuel surcharge level

Pamasahe sa eroplano inaasahang tataas sa pagtaas ng fuel surcharge level

MANILA, Philippines – Dapat nang maghanda ang mga biyahero ng eroplano sa inaasahang taas-presyo sa pamasahe sa mga susunod na buwan makaraang itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge level dahil sa tumataas na presyo ng jet fuel.

Sa abiso, sinabi ng CAB na itinakda ang Level 6 para sa passenger at cargo fuel surcharge sa domestic at international flights mula Setyembre 1 hanggang 30, mas mataas ng “two notches” mula sa kasalukuyang Level 4.

Matatandaang tatlong buwan nang hindi nababago ang kasalukuyang lebel mula noong Hunyo.

Ang pataas na fuel surcharge level adjustment sa susunod na buwan ay pumutol din sa anim na buwang downtrend dito na nagsimula noong Abril.

Sa ilalim ng Level 6, ang fuel surcharge para sa
domestic passenger flights ay mula P185 hanggang P665 depende sa distansya, habang sa international passenger flights mula Pilipinas ay maglalaro naman mula P610.37 hanggang P4,538.40.

Sa kasalukuyang lebel na Level 4, ang mga pasahero ay nagbabayad lamang ng P117 hanggang P342 sa fuel surcharges para sa domestic flights at P385.70 hanggang P2,867.82 sa international flights. RNT/JGC

Previous articleCataroja posibleng nagpanggap na bisita kaya nakatakas – Catapang
Next article1 patay sa gumuhong pader sa Quezon City Hall