Home OPINION PAMILYA, INA, BATA PATAYIN LAHAT!

PAMILYA, INA, BATA PATAYIN LAHAT!

‘Yan ang panawagan ng 93-anyos beteranong Israelita sa giyera na si Ezra Yatchin sa lahat ng mga sundalong Israel na papasok sa Norther Gaza anomang oras para hanapin at patayin ang mga lider at miyembro ng Hamas at nagmamalasakit at sumusuporta sa mga ito.

Matatandaang umatake sa Israel ang Hamas nitong Oktubre 7, 2003 at pinuntirya ang isang music festival na ikinamatay ng nasa 200 katao, kasama ang mga bata, ina, ama, lolo at lola.

Matapos nito, kinaladkad ng Hamas ang halos 200 pa para maging human shield o proteksyon nila sa gumaganting mga sundalong Israelita.

Habang umaatras ang Hamas, naiiwan ding patay ang ilan sa mga hinostage.

1.2 MILYON PINALALAYAS

Lumilitaw na nasa 1.2 milyon katao ang nasa Norther Gaza at pinaalis sila lahat ng Israel patungo south ng Gaza pa rin.

Pinaaalis sila bago magsagawa ang Israel ng buo na pag-atake mula sa lupa, dagat at kalawakan para tuluyang mapulbos ang nasabing lugar na pinaniniwalaang tinakbuhan at pinagkukutaan ng karamihan sa mga Hamas.

Sa pagkakataon bang ito mangyayari ang ganap na paglipol sa mga Hamas, kasama ang mga inosenteng Palestino sa lugar?

At sinabi pa ni Yatchin, na kahit saan sa Israel, dapat pagpapatayin ang mga Arabo.

Total, maaaring magkaisa ang mga Arabo ngayon sa digmaan.

MASAKER BAGO ITINATAG ANG ISRAEL

Itong si Yatchin, mga Bro, ay dating miyembro ng Lehi Zionist militia nagsagawa ng mga masaker sa lugar na kinatatayuan ngayon ng Israel, partikular sa Deir Yasmin at tinawag ang pangyayari na Deir Yasmin massacre.

House-to-house ang pagmasaker at pinagpapatay ang lahat na laman ng bawat tahanan.

Dito na nagkaroon ng paglayas ng lahat ng Palestino sa lugar hanggang itatag na ang Israel bilang banasa na may sariling teritoryo.

Nakakalat naman ang lahi ng mga Palestino sa iba’t ibang bansa ngunit karamihan sa mga ito ang nasa lugar na Palestine ngayon.

Ganitong operasyon ba ang gagawin ng Israel sa Norther Gaza?

At maaaring kasama pati ang pagdurog sa lahat ng mga gusali na itinayo ng mga Palestino?

At magiging kakambal ng paglusob ang pamamalagi na rin ng mga Israelita sa lugar?

IRAN NAGBABALA

Kapag masobrahan umano ng Israel ang ginagawa nito sa lugar na pagdurog at pagpapalayas sa mga mamamayang nakatira sa lugar, magbabayad umano ang Israel ng mahal.

Kung ano ang ibig sabihin nito, walang nakatitiyak.

Ngunit maaaring lalawak at tatagal ang digmaan at masisira ang magandang relasyon ng Israel sa ibang mga Arabong bansa.

Saan patutungo lahat ng ito?

ILIKAS NA SILA

May mga Pinoy nang nakatira sa Israel at maaaring may magmumula sa Gaza na gustong lumikas.

Pinakamagandang ilikas na ang mga ito sa anomang paraan at mabawasan ang panganib sa nasa 30,000 Pinoy sa Israel.

Hindi imposibleng lalawak, tatagal at babangis ang digmaan sa lugar na ikapapahamak ng mga Pinoy roon.

Previous articleGIYERA SA LUPANG BANAL
Next articleChina Navy vessel na umaaligid sa Pag-asa Island sinita ng PH Navy