Home NATIONWIDE Pamilya ng 3 mangingisda na nasawi sa Bajo de Masinloc inayudahan ng...

Pamilya ng 3 mangingisda na nasawi sa Bajo de Masinloc inayudahan ng DSWD

MANILA, Philippines – Binigyan ng cash assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya ng tatlong mangingisda na nasawi matapos mabangga ng hindi pa nakikilalang commercial vessel” ang kanilang fishing boat sa karagatan ng Bajo de Masinloc noong Oktubre 2.

Sinabi ni DSWD-Field Office 3 Director Venus Rebuldela na nakatanggap ang mga pamilya ng tig-P10,000 bilang burial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Binigyan din sila ng family food packs.

“Ang aming tanggapan sa Central Luzon ay patuloy na magmomonitor at magbibigay ng kinakailangang tulong sa mga pamilya ng mga apektadong mangingisda,” sabi ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications at tagapagsalita na si Romel Lopez.

Kinilala ang tatlong mangingisdang nasawi na sina Dexter Laudensia, Romeo Mejico, at Benedick Uladandria.

Samantala, ang mga mangingisdang nakaligtas sa insidente ay nabigyan ng food packs at cash assistance na may kabuuang P5,000 bawat isa.

Ang mga nakaligtas ay pawang mula sa Brgy. Calapandayan sa Subic, Zambales. RNT

Previous articleUN: 9,806 sibilyan patay sa Russia-Ukraine war
Next article‘Overcrowding’ sa PGH sosolusyunan ng DOH