Home NATIONWIDE Pamilya ng nasawing seaman sa UAE humihirit ng malalimang imbestigasyon

Pamilya ng nasawing seaman sa UAE humihirit ng malalimang imbestigasyon

MANILA, Philippines – Humiling ng mas malalim na imbestigasyon ang pamilya ng isang seafarer na namatay sakay ng bulk carrier habang nasa port call sa United Arab Emirates (UAE).

Namatay noong Oktubre 9 si Albert Coleto, 39, residente ng Tago, Surigao del Sur, matapos na bumagsak habang sakay ng Star Gwyneth bulk carrier.

Sinabi ni Bon Salinas, bayaw ni Coleto, na nakipag-ugnayan na sila sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para humingi ng imbestigasyon.

“We sent a representative to the UAE because the company said we are not allowed to make a follow-up. It turned out later that there is no prohibition for us to make a follow-up on Coleto’s death,” ani Salinas.

Nasabihan din umano ang isang kinatawan ng pamilya na sarado na ang kaso at ang sanhi ng kamatayan ay cardiac arrest, aniya.

“Hiningi namin ang autopsy report, pero wala. Ito ang basehan ng tanong natin kung bakit sarado na ang kaso,” ani Salinas.

Sa isang pahayag noong Oktubre 9 na inilabas ng pamilya at nakuha noong Lunes, inutusan umano si Coleto ng kanyang amo na magsagawa ng exhaustive cleaning at pagwawalis sa ilalim ng mainit na panahon, na pinatunayan ng kanyang mga katrabaho.

“Coleto, who has been working in the carrier for nearly 10 years, worked for an extended 38 hours with only a two-hour break,” ayon sa pahayag.

Sinabi ni Salinas na nakatanggap sila ng impormasyon noong Lunes na nag-utos ang OWWA ng autopsy sa UAE bago ibalik ang mga labi ni Coleto sa Pilipinas.

Sinabi ng pamilya na nilayon nilang magsampa ng kaso laban sa kanyang manning agency at iba pang sangkot na entity para sa maliwanag na kapabayaan at pagwawalang-bahala sa kaligtasan at kalusugan ng mga tripulante. RNT

Previous articleMAY PINOY BA SA NORTHERN GAZA?
Next articleIsraeli diplomat pinagsasaksak sa China