Home HOME BANNER STORY Pamilya Ranara nakukulangang sa ipinataw na parusa sa pumatay kay Jullebee

Pamilya Ranara nakukulangang sa ipinataw na parusa sa pumatay kay Jullebee

MANILA, Philippines – Nakukulangan ang pamilya ng pinatay na overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara sa hatol na 16 taong pagkakakulong sa suspek sa krimen.

“Kung ano yung ginawa, dapat ganoon din po, ‘di ba?”, ayon sa asawa ni Jullebee na si Joey Marce na dapat umanong parusa sa pumatay sa kanyang asawa.

Sa paliwanag ni Department of Migrant Workers chief Hans Cacdac na 15 taong pagkakakulong ang pinakamataas na sentensiya para sa mga kabataang nagkasala.

Ang convict sa kaso ni Jullebee ay ang anak ng kanyang amo na 17 taong gulang nang gawin ang mga krimen laban sa OFW.

Para sa susunod na hakbang, sinabi ni Cacdac na tutulong ang DMW sa pagsasampa ng kasong sibil para humingi ng danyos sa pamilya ng convict.

“We will have at least a ten to 14-day period to prepare for this forthcoming. We committed to assist the family in the filing for civil damages which is still part and parcel of the path for justice,” ani Cacdac.

Hindi pa natukoy ng DMW ang halaga na maaaring i-claim para sa mga pinsala, dahil ito ay nakasalalay pa rin sa batas ng Kuwait.

Noong Miyerkules, kinatigan ng appellate court ng Kuwait ang guilty verdict at sentence sa 17-anyos na anak ng kanyang amo, na umano’y gumahasa at nagpabuntis pa kay Jullebee.

Ang bangkay ni Ranara ay natagpuan sa disyerto, at ang kanyang mga labi ay dinala pabalik sa Maynila noong Enero 28, 2023. RNT

Previous articleMotor nanuwag ng bus; bata, 2 pa patay!
Next articleTsina may pinakamalalang sinira sa South China Sea ecology – Think-tank