Home NATIONWIDE Pamimigay ng face mask sa Batangas, ipinanawagan ng solon sa DOH

Pamimigay ng face mask sa Batangas, ipinanawagan ng solon sa DOH

MANILA, Philippines – Masusing nanawagan sa Department of Health ang ilang mambabatas na mamahagi ng facemasks sa Batangas lalo na iyong apektado ng volcanic smog o vog.

Ang panawagan ay ginawa ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray T. Reyes matapos ang isang facemasks na kaniyang pinangunahan sa Nasugbu, Tuy at Balayan.

“Anakalusugan’s advocacy has always been centered around bringing healthcare closer to the people. Apart from our regular medical and dental missions, we make it a point to always help affected residents whenever health emergencies arise,” ani Reyes.

Giit pa ng kongresista sa DOH na mamigay ng N95 face masks at iba pang protective equipment sa LGUs maging sa mga apektadong komunidad upang magamit sakaling muling magkaroon ng vog incidence.

“Let us be proactive. Kahit na humupa na kahit papaano ang vog sa paligid ng bulkan, kailangan po natin maging handa lalo na’t nasa alert level one pa rin ang Taal.”

Binanggit din ni Reyes ang pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang vog mula sa Taal volcano ay nawala na kasunod ng pag-ulan at thunderstorms.

Ngunit ayon kay Philippine Volcanology and Seismology Administration director Teresito Bacolcol maaaring magkaroon muli ng vog habang nagpapatuloy ang Taal Volcano sa pagbuga ng sulfur dioxide na may kasamang plumes na umaabot sa taas na 1,800 metro.

Ayon pa rin sa PHILVOCS, ang Taal Volcano ay nananatiling nakapailalim sa Alert Level 1 na nangangahulugang pwede pang mangyari sa mga darating na araw ang phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations ng volcanic gas. Meliza Maluntag

Previous articleDelgaco bigong makaapak sa podium
Next articleMatandang binata isinelda sa panghahalay sa dalagita