Pamumuno ni Gov. Umali sa COVID-19 crisis, hinangaan at pinasalamatan ng netizens

Pamumuno ni Gov. Umali sa COVID-19 crisis, hinangaan at pinasalamatan ng netizens

May 20, 2020 @ 2:07 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Nueva Ecija – Nagpahayag ng pasasalamat at paghanga ang netizens kay Nueva Ecija Governor Aurelio “Oyie” M. Umali dahil sa kanyang mahusay na pamumuno sa lalawigan lalo na ngayong panahon ng krisis.

Base sa mga komento ng netizens sa social media, inilarawan nila ang gobernador bilang isang mahusay, matatag, maaasahan at responsableng lider na hindi nagpapabaya sa kanyang mga anak.

Pinasalamatan din nila ang pagmamalasakit at mga sakripisyo ni Governor Umali para sa mga Novo Ecijano.

Anila, hindi  kinatatakutan ng ama ng lalawigan  ang  pandemya at bagyo, makapaglingkod lang sa kapwa.

May nagkomento rin na sila ay nagiging panatag dahil sa kanyang  malasakit at nagtitiwala sa kanyang kakayahan na mapapangalagaan ang buong probinsya.

 Sinasaluduhan nila ang pagiging tunay na ama ni Governor Umali sa mga Novo Ecijano at nagagalak sa kanyang kasipagan. Maging ang mga hindi taga-Nueva Ecija ay nagpahayag din ng paghanga sa sipag ng gobernador.

Sa kabila ng pagiging abala sa paglaban sa COVID-19, nagawa pa ni Governor Umali na samahan ang mga kalalawigan sa pagbabantay sa Bagyong Ambo noong Biyernes sa pamamagitan ng kanyang programa sa NE TV48 at DWNE Teleradyo. Kinamusta niya ang sitwasyon sa bawat bayan at lungsod at sinagot ang mga katanungan ng mga mamamayan.

Nakasama rin niya sa programa ang kapatid na si Vice Governor Anthony Umali. Dito rin niya unang inanunsyo na inaprubahan na ng National Inter-Agency Task Force (NITF) ang kanyang hiling na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Nueva Ecija. Nagsimula ng alas 10:00 ng gabi  ang programa at natapos ng alas 2:00 ng umaga. Siniguro ni Governor Umali na humupa na ang lakas ng Bagyong Ambo bago sila nagpaalam sa programa.

Nasaksihan ng maraming netizens ang kasipagan ng punong lalawigan sa paglaban sa COVID-19 at maging sa panahon ng bagyo kaya’t umani siya ng mga positibong komento mula sa netizens. Kasama din anila sa kanilang panalangin si Governor Umali at ang kanyang pamilya. Elsa R. Navallo

Share

Leave a Reply

Loading...