Panagbenga 2020, tuluyan nang kinansela

Panagbenga 2020, tuluyan nang kinansela

March 9, 2020 @ 5:46 PM 3 months ago

  • 2
  •  
  •  
    2
    Shares
Share

Baguio City, Philippines – Tuluyan nang kinansela ang Panagbenga flower festival sa siyudad ng Baguio sa gitna ng takot sa COVID-19, ayon sa anunsyo ni Mayor Benjamin Magalong ngayong araw n Lunes.

Ani Magalong, ito ang nagpadesisyunan ng Baguio City Interagency Task Force on COVID-19, kasunod ng rekomendasyon na ginawa ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. Suspendido na rin ang lahat ng operasyon ng night market nito na epektibo bukas, Marso 10, sa susunod na 14 araw.

Kakanselahin na rin ang lahat ng pagtitipong bahagi ng taunang selebrasyon kabilang ang Grand Street Parade na naka-reschedule sa Marso 28, Grand Float Parade sa Marso 29, at Session Road in Bloom na nakatakda mula Marso 30 hanggang Abril 5.

Inisyal na naka-iskedyul ang opening parade nito noong Pebrero 1, ngunit ipinagpaliban ito ng mga lokal na opisyal bilang precautionary measure.

Sinabi naman ni Department of Health Regional Director Amelita Pangilinan na inilagay na sa “code red” ang bansa matapos kumpirmahin ng mga awtoridad ang local transmissions sa Metro Manila. Nakapagtala ng apat na kaso ang Pilipinas nitong Linggo ng gabi, dalawa sa mga ito ang walang travel history sa labas ng bansa.

Nananatili pa ring ‘COVID-19-free’ ang rehiyon hanggang nitong Lunes.

Sinuspinde na rin ang Cordillera Administrative Region Athletic Association Meet na orihinal na naka-iskedyul mula Pebrero 1 hanggang 23, ayon kay Magalong.

Samantala, ititigil muna sa ngayon ang pagsasara ng Session Road para sa mga art events at cultural gatherings. Remate News Team|MM

Share

Leave a Reply

Loading...