Home METRO Panagbenga Festival sinaksihan ng 32,000 katao

Panagbenga Festival sinaksihan ng 32,000 katao

(c) Tara Baguio FB Page Photo

BAGUIO CITY – Sinabi ng Baguio City Police Office na tinatayang nasa 32,000 katao ang nakasaksi sa grand float parade ng Panagbenga Festival dito noong Pebrero 25.

Sinabi ni Police Lt. Col. Domingo Gambican, deputy city director for operations ng BCPO sa Kapihan sa Baguio media conference noong Pebrero 28 na tinatayang 32,000 indibidwal ang nakakita sa parada mula Session Road hanggang Harrison Road.

Idinagdag ni Gambican na tinatayang 20,000 katao ang nanood ng street dancing parade noong Pebrero 24.

Inaasahan ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. na mas maraming tao ang makakakita sa dalawang kaganapan sa susunod na taon.

“In my opinion, we’ll be good, I think we put on a great show, best performer, we have a lot of participants, in fact more than we expected in terms of cultural presentation and floats and the participation at the market encounter, landscaping, and Session Road in Bloom,” ayon kay Anthony de Leon, executive committee chairman ng Baguio Flower Festival Foundation Inc.

“So, we always do as we can, innovate and try to come up new ideas. We are normalizing as far domestic tourism is concerned. For next year, hopefully, we can do something bigger in terms of number of visitors,” dagdag pa niya. RNT

Previous articleMeralco nagbabala vs mapanlinlang na text message sa costumers
Next articleMas mahabang oras ng botohan sa 2025 midterm polls target ng Comelec