Home NATIONWIDE Panalangin ni Imee: Pangulo, ilayo mula sa mga demonyo

Panalangin ni Imee: Pangulo, ilayo mula sa mga demonyo

MANILA, Philippines – Nananalangin umano si Senador Imee Marcos para sa proteksyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., partikular na ang malayo umano ito sa mga demonyo.

“Haplusin nawa ninyo ang puso ng aking kapatid, ang Pangulo ng Pilipinas; buksan nyo ang kanyang mga mata at bigyan nyo sya ng kaliwanagan ng pag-iisip—gisingin nyo po siya at ilayo sa mga demonyong nakapaligid,” sinabi ni Senador Marcos sa kanyang panalangin sa event ng Jesus is Lord (JIL) sa Norzagaray, Bulacan.

“Ipaalala niyo sa kaniya na huwag ipaubaya ang bayan sa mga sakim at uhaw sa atensyon,” dagdag niya.

Ang panalangin ni Senador Marcos ay kasunod ng inilarawan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na “constitutional crisis” dahil sa isinusulong na Charter change sa pamamagitan ng people’s initiative na isinusulong umano ng liderato ng Kamara.

Nitong Biyernes, Enero 26, inakusahan ni Senador Marcos ang kanyang pinsan na si Speaker Martin Romualdez, na siyang nasa likod ng people’s initiative.

Hinamon naman ni Romualdez ang pinsan na patunayan ang kanyang alegasyon.

“Let her [P20 million per district] prove it. I don’t know where this is all coming from. I respect her as my cousin, as a senator. She can give me a call, text me anytime but if she prefers to do it before the media, that is her prerogative,” ani Romualdez.

“I believe it has never been the intention of the Philippine Constitution to arrogate unto a few senators the people power, particularly the people’s power to stop any discussion on Charter amendments,” dagdag pa ng Speaker. RNT/JGC

Previous articleBI revenue sa tourist visa extension tumaas ng halos 24% noong 2023
Next articleBrahMos missiles mula India, malapit nang maihatid sa Pilipinas – envoy