Home METRO ‘Pananadyak’ ng titser sa estudyante tatalupan ng DepEd

‘Pananadyak’ ng titser sa estudyante tatalupan ng DepEd

MANILA, Philippines- Iniimbestigahan ng Department of Education sa Central Visayas ang insidenteng kamakailan ay pinag-usapan sa social media.

Ibinahagi ng isang netizen ang isang video ng isang lalaking estudyanteng pinagagalitan ng isang lalaking guro.

Sa nasabing video, makikita ang pagsipa ng guro sa estudyante habang pinagsasabihan ito.

Naganap umano ang insidente sa Don Sergio Osmeña Memorial National High School noong February 16.

Base kay DepEd Central Visayas Director Salustiano Jimenez, binubusisi na ng legal department ng Cebu City Division ang insidenteng ito. “I already instructed the division to conduct an investigation,” ani Jimenez.

Sisilipin umano nila lahat ng anggulo ng video para sa “due process.”

Ayon pa sa opisyal, posibleng maharap ang guro sa administrative case at mawalan ng lisensya.

“Corporal punishment is really a no-no stand for DepEd. We always emphasize positive discipline. We have to correct not by force or physical punishment but in another form,” giit ni Jimenez.

Hanggang nitong Biyernes, hindi pa pumapasok ang estudyante sa klase at pinayuhan din ang gurong huwag munang pumasok habang gumugulong ang imbestigasyon. RNT/SA

Previous articleCancer screening sa PH offices umarangkada
Next article#WalangKuryente sa Binangonan, Rizal sa Peb. 25