Home NATIONWIDE Pananagutan ng LGU sa viral Chocolate Hills resort aalamin ng DILG

Pananagutan ng LGU sa viral Chocolate Hills resort aalamin ng DILG

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Huwebes, Marso 14 na aalamin nito kung may pananagutan ba ang lokal na pamahalaan sa viral resort na itinayo mismo sa Chocolate Hills sa Bohol.

“Should there be neglect of duty or any other irregularity on the part of the officials tasked with protecting and overseeing the area, we will not hesitate to pursue appropriate legal actions,” saad sa pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos.

“Under our Local Government Code, they have the mandate to enhance the right of the people to a balanced ecology. If illegal construction were allowed within a protected area, this would fall gravely short of this responsibility,” dagdag pa niya.

Nitong Miyerkules, sinabi ng DENR na naglabas sila ng temporary closure order noong Setyembre 2023 at violation notice noong Enero 2024 laban sa Captain’s Peak Resort.

Ayon sa ahensya, nag-ooperate ang resort nang walang environmental clearance certificate (ECC).

“Any activity that disturbs or damages protected areas such as the Chocolate Hills, without proper authorization, is prohibited by law,” sinabi ni Abalos.

Ngayong araw din ay sinabi ng Sagbayan LGU ng Bohol na wala pa silang natatanggap na kopya ng temporary closure order mula sa DENR.

Ayon kay Office of the Mayor’s executive secretary Felito Pon, ilan sa mga aplikasyong may kaugnayan sa resort ay nakaabot sa lokal na pamahalaan noong 2018 at naipasa na nila sa Protected Area Management Board (PAMB).

Para naman sa bahagi ng LGU, sinabi ni Pon na maaaring bawiin ang business permit ng resort kung malalaman na may mga paglabag itong nagawa.

“Sa amin naman sa LGU, mare-revoke nila yung business permit nila…Kapag merong batas na nilabag, may kapangyarihan po yung local chief executive natin na bawiin, ikansela yung business permit nila,” aniya.

Samantala, sinabi ni Bohol 2nd District Board Member Jiselle Rae Villamor na itinayo umano ang resort sa resolusyon ng DENR.

“Tinayo daw po ito ng 2018 by virtue of DENR-PAMB resolution, actually two resolutions enforcing and approving the construction and development of the said resort,” pagbabahagi ni Villamor sa panayam ng DZBB.

“The DENR manifested during our investigation in our committee meeting that Captain’s Peak Resort followed their guidelines and has been compliant daw sa mga conditions nila,” dagdag pa niya.

Isa sa mga kondisyon umano ay ang 20% ng lupain sa isa sa mga burol sa Chocolate Hills ay maaaring gamitin sa isang titled lot, na sinabi naman ni Villamor na dapat maamyendahan. RNT/JGC

Previous articleRendon, dinalaw si Boss Toyo, nagdala ng bulaklak ng patay!
Next articleVice Ganda, nagpaliwanag sa isyu ng eulogy habang buhay pa!